MANILA, Philippines - Pumaimbulog uli ang husay ng Pinoy kung pagÂlÂaÂlaro ng bilyar ang pag-uusapan nang pagharian ni Lee Van Corteza ang 2013 China Open 9-Ball na natapos kahapon sa Shanghai, China.
Ang 34-anyos na tubong Davao City ay hindi natalo sa kabuuan ng kompetisÂyon at hiniya niya sa titulo ang Chinese Taipei pool player na si Fu Che-wei, 11-6, upang sa ikalawang sunod na edisyon ng torneong may basbas ng World Pool Association ay nakapagdomina uli ang isang Filipino cue artist.
Noong nakaraang taon, si Dennis Orcollo ang hinirang na kampeon nang talunin ang isa pang Taiwanese player na si Lu Hui-chan, 11-9.
Sa pagkakataong ito, si Orcollo ay umabot lamang sa round-of-16 bago yumuÂkod sa kalabang si Fu sa iskor na 8-11.
Halagang $40,000.00 ang napagwagian ni Corteza upang pawiin ang di magandang naipakita sa Derby City 9-Ball, One Pocket at Banks division na kung saan siya ay tumapos sa 19th, 22nd at 67th puwesto.
Para makapasok sa Finals, tinapos muna ni Corteza ang makasaysaÂyang laban ni Omar Al Shaheen ng Kuwait, 11-3.
Kumampanya muna si Corteza sa qualifying round at tinalo sina Nikolaos Malaj ng Albania, 9-6, at Do The Kien ng Vietnam, 9-6, para pangunahan ang Group F.
Sa Knockout round, unang pinataob ni Corteza, 3rd place sa 2009 China Open, si Albin Ouschan ng Austria, 11-8, bago isinunod ang dating World Junior Champion na si Ko Pin-yi ng Taipei, 11-5, at Zheng Yu Xuan ng Taipei, 11-8.
Sa kabilang banda, si Fu na nakontento sa $20,000.00 premyo ay pumasok sa Finals sa bisa ng 11-8 tagumpay kay Wu Jiaqing ng China.
Ang sunod na Pinoy na may magandang tinapos ay si Carlo Biado na nalagay sa ikalimang puwesto tungo sa $5,500.00 premÂyo habang si Orcollo ay nakontento sa $2,500.00 matapos makasalo sa ika-siyam na puwesto.