Pagod na nga ba at laspag o talagang hindi lang kaya ng Ginebra ang Alaska sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup finals?
Sa tingin ko, all of the above.
Dahil sa unang dalawang laro ng serye, nakita natin lahat kung paano dominahin ng Alaska ang laro. Madaling nakuha ng Aces ang first two games ng best-of-five series.
At ngayong gabi, puwede na tapusin ng Alaska ang serye at makamit ang korona sa ilalim ng batang coach na si Luigi Trillo. Nasa Alaska lahat ng momentum.
Kung mananalo naman ang Ginebra, hahaba pa ang serye. Pero ang tanong eh kung kaya ba nila talunin ng tatlong sunod na beses ang Alaska.
Never say die ang Ginebra. At sana naman ay maramdaman ng kanilang fans ang kanilang bangis sa loob ng court.
Sayang naman kasi kung pumasok nga sila sa finals para durugin lang ng Alaska. Nanggaling sa napakalalim na balon ang Ginebra para umabot sa finals.
Kaya nga baka masyado na silang napagod sa pag-ahon na naging happy na sila at kuntento na maÂkarating sa finals.
‘Di hamak na mas maraming fans ang Ginebra kayÂsa sa Alaska. Bigyan naman sana nila ang mga fans ng konting rason para magsaya.
Kung matatalo mamayang gabi ang Ginebra, para sa akin ay bale wala rin lahat ng hirap nila.
Sa kabilang dako naman, mamamayagpag ng husto ang Alaska na talaga naman naging paborito sa tournament na ito kung kukunin na nila ang titulo sa pamamagitan ng sweep.
Hindi pa naman tapos ang laban dahil kaylangan pa ng Alaska ng isang panalo.
Pero kung hindi magbabago ang laro ng mga Gi-nebra Kings ay ‘wag na kayo umasa.
Hindi ako naniniwala sa magic--maliban na lang kung maipanalo ng Ginebra ang laban na ito.
Tawagin na nila si David Copperfield.