Motorcycle sports pasok sa POC-PSC Phl Nat’l Games

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na taon ay makakasama ang motorcycle sports sa POC-PSC Philippine National Games.

Ang National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) ang siyang mamamahala uli sa pagdaraos ng karera sa on-road at off-road events.

Sa Marikina City Hall Parking area gagawin ang la­banan sa on-road sa Mayo 26 habang ang off-road (motocross races) ay sa Speedworld MX Circuit sa SM Bicutan, Parañaque City sa Hunyo 1.

Maliban sa pagtuklas ng bagong atleta na nais ng PSC, gagamitin naman ng NAMSSA ang kompetisyon bilang pinal na tune-up event para sa mga kasapi ng Philippine Motocross team na lalahok sa round 2 ng 2013 Asian Motocross Supercross Championship (AMSC) sa Terengganu, Malaysia mula Hunyo 6 hanggang 8.

Ang mga nais na sumali ay maaaring magpatala sa on-line sa PSC website o sa pagtungo sa PSC headquarters sa Pablo Ocampo St.

Ang mga tatanggapin ay bibigyan din ng mga PNG ID na magagamit para makasali sa kompetisyon.

Sa mga dagdag na katanungan, maaring bumisita sa NAMSSA website na www.namssa.com o sa NAMSSA Facebook page.

 

Show comments