SAN ANTONIO--NaÂbigo si Danny Green na labanan ang isang pick na nagresulta sa open three-pointer ni Golden State Warrior Stephen Curry.
Ngunit ang sigawan sa Oracle Arena noong HuÂwebes ay mas mahina kumpara sa sermon ni Tony Parker kay Green.
Ito ang sandali na ipiÂnagÂyabang ni San Antonio Spurs coach Gregg Popovich si Parker.
“He’s just really matured to the point he takes things personally if we’re not playing well,†sabi ni Popovich kay Parker.
Kakailanganin ng San Antonio ang leadership ni Parker sa kanilang pagsagupa sa Memphis Grizzlies sa Game 1 sa Linggo para sa Western Conference finals.
Humugot ang French star ng 10 sa kanyang 13 points sa final quarter para igiya ang Spurs sa 94-82 paggupo sa Warriors sa Game 6 ng kanilang WesÂtern Conference semifinals series.
“He was unbelievable down the stretch,†wika naman ni Tim Duncan kay Parker. “He’s our finisher, that’s what he does.â€
Kinuha ng Spurs si Parker bilang 28th pick sa 2001 NBA Draft.
Tinulungan ni Parker ang San Antonio sa pagÂsikÂwat sa tatlong NBA championships.
Sa pagkakaroon ng injury nina Duncan at Manu Ginobili, si Parker ang naging lider ng Spurs sa nakaraang mga seasons.
Naglista si Parker ng mga averages na 17.1 points, 6.0 assists at 33 minuto.