Bedans wagi sa FEU; UE hiniya ang UST

MANILA, Philippines - Tinalo ng NCAA champion San Beda, nanggaling sa United States, ang FEU Tamaraws, 80-76, para palakasin ang tsansa sa quarterfinal round ng Filoil Flying V Hanes Premier Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor si Rome dela Cruz ng 18 points, habang may 15 naman si Nigerian center Ola Adeogun para sa Red Lions, hangad ang kanilang ikaapat na sunod na NCAA crown sa darating na Season 89.

May 3-1 record ngayon ang San Beda sa Group A.

May 3-3 baraha naman ang Tamaraws.

Samantala, binigo ng University of the East ang University of Santo Tomas, 85-66, para makalapit sa isang quarterfinal berth.

Binanderahan ni Ralf Olivarez ang Warriors mula  sa kanyang 17 points kasunod ang 16 ni Jay-R Sumido at 15 ni Roi Su­mang para sa Recto-based cagers.

May 4-2 marka ngayon ang UE.

Matapos kunin ng Warriors ang  44-28 abante sa first half, nakalapit naman ang Tigers sa 54-57 mula sa tatlong sunod na tres nina Clark Bautista at Kevin Ferrer.

Show comments