Ibang-iba na si Luigi Trillo ngayon kaysa sa Luigi Trillo noon. Malayo na ang kanyang narating bagama’t hindi pa niya naaabot ang tuktok dahil sa hindi pa naman niya naigigiya ang Alaska Milk sa kampeonato.
Kung sakali’y malapit na niyang maabot iyon.
Iba na rin ang choice of words ni Trillo sa interviews matapos ang mga panalong naitatala ng Aces sa kaÂsaÂlukuyang PBA Commissioner’s Cup. Mas malalim, mas malaman.
Kaya natin nasabi nito’y dahil sa nakita naman natin kung ano ang pinag-daanan ni Trillo.
Matagal siyang nagsilbi bilang isa sa mga assistant coaches ni Tim Cone sa Alaska Milk at natural na ilan sa atin ang nagsabing kaya naman siya napunta sa pusisyong iyon ay dahil sa ang ama niyang si Joaqui ang siyang manager ng koponan. Kahit paano’y palaging nakakabit kay Luigi ang pangyayaring iyon at kailangang baguhin niya ang impression sa kanya ng ilang kritiko.
Pero ang tagal bago niya mabago iyon.
Kasi nga’y hindi naya napatunayan na siya’y isang winning coach,
Katunayan, sa una niyang sabak sa coaching bilang bench tactician ng Adamson ay naging kahiya-hiya ang lahat. Kasi dalawang seasons siyang hindi nagwagi ni isang laro sa University Athletic association of the Philipines (UAAP). Hindi biro ang magkaroon ng 0-28 record ha! Kung naiba lang ang coach na iyon, malamang na kinalimutan na lang niya ang kanyang opisyo at naghanap ng ibang pagtutuunan ng atensyon.
Pero coaching ang nasa dugo ni Luigi.
Bagama’t nawala siya sa poder ng Falcons ay nagÂpaÂtuloy siya sa pagtulong kay Cone.
Three years ago ay nabigyan ulit siya ng pagkakataong maging head coach ng Cebuana Lhuillier sa PBA Developmental League. At sa kauna-unahang torneo ay nakarating ang Gems sa Finals kung saan nakaharap nila ang powerhouse NLEX Road Warriors. Natalo sila sa dalawang laro at sumegunda lang sila.
Buhat doon ay hindi na muling naging finalist ang Cebuana Lhuillier. Iniwan ni Trillo ang koponang ito sa suÂmunod na conference at minana ni Beaujoing Acot ang pagiging head coach ng Gems. At sa kasalukuÂyang Foundation Cup ay muling nabigo ang Gems na maÂkarating man lang kahit sa quarterfinals.
Sa kabilang dako’y umasenso na nang husto si Luigi matapos na halinhan si Joel Banal bilang head coach ng Alaska Milk.
Disastrous ang kanyang unang conference bilang head coach dahil maagang na-eliminate ang Aces. pero sa pagpasok ng 38th season, ibang Alaska Milk na ang bitbit ni Luigi. Hindi na ito ang koponang minana niya. Nailagay na niya ang ilan sa manlalarong nais niyang ilagay. Nailagay na niya ang mga taong gusto niyang maging bahagi ng coaching staff tulad nina Alex Compton, Louie Alas at Topex Robinson. Nailatag na niya ang kanyang sistema.
E, noon ngang Philippine Cup ay muntik na nilang matsugi ang Talk ‘N Text sa semis pero kinapos lang sila.
Ngayong Commissioner’s Cup ay nagtagumpay silang makadiretso sa Finals kontra sa crowd favorite Barangay Ginebra San Miguel. At pinapaboran silang mamayani kontra sa Gin Kings.
Anuman ang mangyari, alam na ng lahat na si Luigi ay nasa pusisyong kinalalagyan niya dahil sa hard work mismo niya at hindi sa kung anumang dahilan.
At siguradong malayung-malayo ang kanyang mararating.