Volcanoes aasinta ng panalo vs UAE

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Stadium)

7 p.m. Phl vs UAE

 

MANILA, Philippines - Sasagupain ngayong gabi ng National Men’s Rugby Team, kilala bilang Philippine Volcanoes, ang United Arab Emirates para sa closing match ng HSBC Asian 5 Nations competition.

Parehong wala pang panalo ang dalawang koponan.

Ang mananalo ay mananatili sa Asian 5, samantalang ang matatalo ay mahuhulog sa Division 1.

Nangako ang Volcanoes na gagawin ang lahat para talunin ang fourth-ran­ked na UAE.

Para palakasin ang ka­nilang tsansa, kinuha ng Volcanoes sina veteran players Phil Abraham, Michael de Guzman at Nick Perry.

“It won’t be easy, as UAE have been in the top 5 for a number of years, but we are quietly confident,” wika ni Volcanoes’ head coach Jarred Hodges. “We are playing in Manila, and the hometown support never fails to lift the boys’ performance.”

 Ang koponan na magtatapos sa pang-lima matapos ang six-week long com­petition ay mahuhulog sa Division 1 at ang top 4 teams ay mananatili sa Elite Division at magha­hangad na makapaglaro sa Rugby World Cup sa 2015.

 Ang mananalo sa Elite Division ang tatanggap ng outright qualification para sa Rugby World Cup 2015, habang ang second placer sa Elite Division ang sasagupa sa mga second placers mula sa Africa, Europe at Americas sa isang knock-out competition para sa pang 20 at huling slot sa Rugby World Cup.

 

Show comments