MANILA, Philippines - Dadayo ang Philippine Azkals sa Kyrgyzstan para sa isang international friendly sa Hunyo.
Tinanggap na ng Philippine Football Federation (PFF) ang imbitasyon na inalok ng mga opisyal ng Kyrgyzstan Football FeÂdeÂration nang dumating ang mga ito kasama ang club team na Dordoy Bishkek para lumahok sa 2013 AFC President’s Cup Group B qualifying sa Cebu.
Ang balita ay lumabas na rin sa website ng Kyrgyzstan Football Federation kahapon.
Ang Dordoy Bishkek ay binubuo rin ng ilang national player ng Kyrgyzstan at siyang nanalo sa Group B sa pamamagitan ng 2-1 win-draw karta.
Tinapos ng bisitang kopoÂnan ang kampanya sa pamamagitan ng 6-1 tagumpay sa Global FC ng Pilipinas na inaniban ng ilang Azkals players.
Dahil sa panalo, ang Dordoy Bishkek ay nakakuha ng tiket sa AFC President’s Cup Finals sa Setyembre.
Si PFF secretary-general Edwin Gastanes ang kumatawan sa PFF na pumayag sa alok na friendly game na itinakda sa Hunyo 8.
Mahalaga ang laro dahil gagamitin ng dalawang bansa ang Friendly Game bilang bahagi ng paghahanda para sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives na kung saan selÂyado nila ang dalawang puwesto.
Ang Pilipinas at Kyrgyzstan na kampeon sa Group E at B ay sasamaÂhan ng host Maldives, AfÂghanistan, Myanmar, Palestine, Laos, at Turkmenistan.
Ito ang lalabas na ikalawang friendly game ng Azkals sa nasabing buwan dahil sa Hunyo 4 ay dadayo rin sila sa Hong Kong para makipagÂlaro.
Posibleng maging tatlo ang laro ng Azkals dahil may plano ang PFF na padayuhin ang national team sa Tajikistan sa Hunyo 11 para sa isa ring friendly game.