MANILA, Philippines - Palawigin sa 16-diretso ang pagpapanalo ang baÂlak gawin ng San Miguel Beer sa pagku-krus uli ng landas nila ng Westports Malaysia Dragons ngaÂyong gabi sa ASEAN Basketball League (ABL) sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa ganap na alas-8 ng gabi itinakda ang labanan at hanap din ng Beermen ang ikatlong sunod na panalo sa Dragons matapos mabigo sa unang laban sa kanilang head-to-head sa liga.
Selyado na ng tropa ni coach Leo Austria ang number one seeding at homecourt advantage sa Playoffs ngunit mahalaga pa rin ang maipanalo para maipagpatuloy ang winning momentum sa Final Four.
Kalaban ng Beermen ang Sports Rev Thailand Slammers sa best-of-five semifinals na bubuksan sa Mayo 23 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
“Hindi namin hahayaan na masayang ang pinagÂpaguran namin sa naunang mga panalo. Hanggang makakaya namin ay pipilitin naming ipanalo ang mga haharaping laro,†wika ni Austria.
Sa kabilang banda, ang home team ay nangangaÂilangan din ng panalo para pataasin ang kanilang morale dahil katunggali ng number three team ang nagdedepensang kampeon Indonesia Warriors na may homecourt advantage sa kanilang serye.
Aasahan ang pagkamada nina Marcus Hubbard, Gavin Edwards, Justin Melton, Moala Tautuaa at Guga Butamalai para maipanalo ang Dragons.
Sina Asi Taulava, Justin at Brian Williams ang mamumuno sa Beermen pero sasandalan din ng koponan ang tikas nina Jerick Fortuna at Paolo HuÂbalde na pumuno sa puwestong iniwan pansamantala ng batikang Fil-Am Chris Banchero na may iniindang injury.
May limang sunod na panalo ang Beermen kahit wala si Banchero na inaaÂsahang unti-unting ibabalik sa rotation sa semis.