^

PSN Palaro

Shakers puntirya ang Final 4 vs Waves

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena )

12 nn   Jumbo Plastic

 vs NLEX

2 p.m.  Boracay Rum

vs Fruitas

4 p.m.  Hog’s Breath

vs Informatics

MANILA, Philippines - Aasamin ng Fruitas ang ikalawang awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagbangga sa Boracay Rum sa pagtatapos ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay ikalawa sa tatlong laro na magsisimula dakong alas-2 ng hapon at kailangan ng Shakers na manalo para samahan ang NLEX sa Final Four.

May 7-3 karta ang Sha­kers ngunit kung mananaig sa Waves ay makakatabla ang Blackwater Sports sa ikalawang puwesto. Kapag nangyari ito, ang tropa ni coach Nash Racela ang uusad sa semifinals at malalag­lag sa quarterfinals ang Elite ngunit may twice-beat-advantage.

Sa kabilang banda, ha­nap ng tropa ni coach Law­rence Chongson na makuha ang  panalo upang manatiling palaban sa titulo sa conference na ito.

Kung matalo ay ba­baba sila sa pakikisalo sa Big Chill, EA Regen, Cagayan Valley at Cebuana Lhuillier sa 6-5 karta para sa ikaapat hanggang ikawalong puwesto.

Quotient system ang gagamitin para basagin ang tabla na magdedetermina sa tatlong koponan na kukumpleto sa anim na teams na aabante.

Sa ganitong sitwas­yon, ang Superchargers (1.1577), Team Delta (1.0030) at Rising Suns (.99122) ang uusad at ma­papatalsik ang Waves (.9818) at Cebuana Lhuillier (.9545) dahil sila ang may bitbit na pinakamababang quotient.

Ang NLEX na pasok na sa semifinals sa 8-2 karta ay magpupuntirya sa ikasiyam na sunod na panalo laban sa Jumbo Plastic sa unang laro sa alas-12 ng tanghali.

Ang Hog’s Breath at Informatics ang magtutuos sa huling laro dakong alas-4 ng hapon.

vuukle comment

ANG HOG

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FINAL FOUR

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with