Laro Bukas
(MABA Gym, Malaysia)
8 p.m. Westports
Malaysia Dragons
vs San Miguel Beer
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Sports Rev Thailand Slammers ang mga maglalaro sa ASEAN Basketball League (ABL) Playoffs nang sila ang kumuha ng ikaapat at huling puwesto na aabante sa semifinal round.
Nakuha ng Slammers ang karapatang manatiling palaban sa titulo sa regional basketball league nang natalo ang Singapore SliÂngers sa nagdedepensang kampeon na Indonesia WarÂriors, 53-63, noong MarÂtes sa Singapore Indoor Stadium.
Tinapos ng Slingers ang kampanya bitbit ang 7-15 karta at nasa ikaliÂmang puwesto kasunod ng 7-14 ng Slammers.
Kalaban ng Thai team ang Saigon Heat kagabi sa Nimibutr Stadium sa Bangkok at magkakatabla pa ang Slammers at SliÂÂngers sa 7-15 baraha kung makapanorpresa ang nanguÂngulelat na Heat (3-17).
Pero dahil head-to-head results ang gagamitin para basagin ang tabla, ang Slammers ang kukuha sa huling puwesto sa bisa ng tatlong panalo na naiposte sa limang pagtutuos nila ng Slingers.
Makakatapat ng Slammers sa best-of-five semifinals series ang number one team na San Miguel Beer na wawakasan ang kampanya sa elims bukas laban sa Westports Malaysia Dragons sa MABA Gym sa Malaysia.
Bitbit ang home court advantage, ang Beermen ang tatayo bilang punong-abala sa unang dalawang laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa Mayo 23 at 25 bago lumipat sa Bangkok ang Game Three sa Mayo 28.
Kung kakailanganin, ang Game Four ay gagawin sa Mayo 30 sa Thailand habang ang deciding Game Five ay sa Hunyo 3 sa Ynares Arena.