^

PSN Palaro

Kings kinapos sa Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

 Laro Bukas

(MOA Arena, Pasay City)

7:30 p.m. Alaska vs Ginebra

MANILA, Philippines - Hindi nagpakita ang mga Gin Kings na tumalo sa mga bigating Rain or Shine Elasto Painters sa quarterfinals at sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa semifinals series.

Sa halip, ang dominan­teng Aces ang napanood ng halos 19,000 ma­no­nood.

Binuksan ang laro sa pa­mamagitan ng 14-0 abante, tinalo ng Alaska ang Barangay Ginebra, 87-70, sa Game One ng kanilang best-of-five championship series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikatlong panalo ng Aces laban sa Gin Kings matapos manaig sa dala­wang beses nilang paghaharap sa elimination round.

“I thought we did a good job in the second half of focusing the players,” sabi ni head coach Lugi Trillo. “There were a lot of hard fouls on Calvin (Abueva) and even on Robert (Dozier). And I said to my players let me do the talking to the refs while they concentrate on playing.”

Mula sa nasabing 14-0 kalamangan kung saan naglista ang Gin Kings ng malamyang 0-of-11 fieldgoal shooting ay pinalobo pa ng Aces ang kanilang bentahe sa 22 points, 28-6, mula sa isang jumper ni RJ Jazul sa nalalabing 1.2 segundo ng first period.

Bagamat kumamada sina import Vernon Macklin, Kerby Raymundo at Mark Caguioa para sa Ginebra ay itinala pa rin ng Alaska ang isang 25-point lead, 38-13, buhat sa isang three-point shot ni Jazul sa 5:13 ng second quarter.

Napanatili ng Aces ang kanilang mainit na opensa sa third period kung saan nila kinuha ang isang 30-point advantage, 54-24, mula sa basket ni Sonny Thoss.

At mula dito ay hindi na nakadikit pa sa 10 puntos ang Gin King sa final canto.

Alaska  87 - Jazul 16, Dozier 14, Thoss 12, Abueva 10, Casio 10, Baguio 10, Espinas 9, Dela Cruz 4, Hontiveros 2, Belasco 0.

Ginebra 70 - Macklin 16, Tenorio 14, Raymundo 9, Helterbrand 7, Espiritu 6, Labagala 4, Urbiztondo 4, Maierhofer 4, Mamaril 2, Caguioa 2, Ellis 1, Baracael 1, Wilson 0, Hatfield 0.

Quarterscores: 28-6, 46-24, 67-48, 87-70.

ABUEVA

BARANGAY GINEBRA

DELA CRUZ

GAME ONE

GIN KING

GIN KINGS

GINEBRA

JAZUL

KERBY RAYMUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with