MANILA, Philippines - Posibleng matunghayan na ang kontrobersyal na si inÂcoming freshman Jerie Pingoy sa darating na UAAP men’s basketball tournament.
Ito ay matapos aprubahan ng UAAP Board ang isang ‘clause’ na magpapalaro sa mga rookies galing sa high school mula sa isang UAAP school papunta sa isa pang memÂber school.
Nauna nang inaprubahan ng board ang two-year reÂsidency rule.
Sa ‘specific clause’, ang isang freshman transferee ay daÂpat kumuha ng release papers mula sa eskuwelahan na kanilang pinagmulan para makaiwas sa eligibility rule.
Ang naturang two-year residency rule ay pinalagan na ni Sen. Pia Cayetano sa idinaos na Senate inquiry.
Kung hindi ito magagawa, ang isang rookie transferee ay sasailalim sa two-year residency bago siya makalaro sa UAAP.
Gumawa ng ingay si Pingoy bilang Baby Tamaraw ng Far Eastern University at naglaro sa Energen Pilipinas, ang national youth team.
Ngunit ayaw maglaro ni Pingoy para sa Tamaraws at mas pinili ang Ateneo Blue Eagles.