Aces nakauna sa finals

Laro Ngayon

(Smart Araneta Center)

6:15 p.m. Ginebra vs Talk  N Text

(Game 5)

 

 

MANILA, Philippines - Hindi na hinayaan ng Aces na makawala ang tsan­sang makapasok sa kanilang kauna-unahang finals appearance matapos noong 2010 Fiesta Confe­rence.

Sinandalan sina import Robert Dozier, rookie Calvin Abueva at JVee Casio sa fourth quarter, buma­ngon ang Alaska mula sa isang 15-point deficit sa third period para gibain ang nagdedepensang San Mig Coffee, 83-78, sa Game Four at tapusin ang kanilang semifinals series para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Winakasan ng Aces ang kanilang best-of-five semifinals showdown sa 3-1 patungo sa kanilang unang finals stint matapos noong 2010 Fiesta Conference na huling koronang naibigay ni coach Tim Cone bago lumipat sa Mixers.

“We knew it’s gonna be a dogfight and we have to gather ourselves in the second half,” sabi ni Alaska mentor Luigi Trillo, nakapasok sa kanyang unang PBA Finals matapos ang tatlong komperensya.

Mula sa 39-52 agwat sa Mixers sa third period, kumamada sina Abueva, Casio at Sonny Thoss para makadikit ang Aces sa 60-64 sa pagsasara nito hanggang agawin ang 71-69  lead sa 6:43 ng fourth quarter.

Huling nakadikit ang San Mig Coffee sa 78-80 mula sa dalawang free throws ni Best Import Denzel Bowles sa 1:54 minuto ng laro kasunod ang basket ni Dozier sa 1:05 minuto at charity ni Abueva sa natitirang 9.9 segundo para sa 83-78 bentahe ng Alaska.

Alaska 83 - Baguio 16, Casio 15, Abueva 14, Thoss 9, Dela Cruz 9, Espinas 7, Dozier 6, Hontiveros 5, Jazul 2, Belasco 0.

San Mig Coffee 78 - Bowles 23, Devance 18, Barroca 14, Simon 10, Pingris 5, Mallari 3, Reavis 3, Najorda 2, Gonzales 0, De Ocampo 0.

Quarterscores: 25-24, 34-48, 60-64, 83-78.

 

Show comments