Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
4 p.m. San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand Slammers
MANILA, Philippines - Sa semifinals na makakapaglaro ang mahusay na Fil-Am pointguard ng San Miguel Beer na si Chris BanÂchero.
Patuloy ang paghilom sa tinamong injury sa left quadriceps tendon ni Banchero pero minabuti ng coaching staff na palawigin ang kanyang pagpapaÂhinga hanggang sa matapos ang eliminasyon para matiyak na lubusan na itong magaling.
“Nasa 70 percent ng maÂgaling ang kanyang injury pero hindi pa siya nakikipag-ensayo. Nami-miss namin ang kanyang paglaÂlaro pero mas maganda na bumalik siya na 100 perÂcent kaya sa semis na siya makakapaglaro uli,†wika ni Beermen coach Leo Austria.
Muling sasalang sa aksyon ang Beermen sa Ynares Sports Arena sa Pasig City laban sa Sports Rev Thailand Slammers ngayong alas-4 ng hapon sa pagpapatuloy ng ASEAN Basketball League (ABL).
Pakay ng koponan ang ika-15 sunod na panalo at paborito ang home team matapos ang 78-61 demolisyon sa Slammers noong nakaraang Miyerkules sa nasabing venue.
Si Paolo Hubalde ang patuloy na hahalili sa puwesto ni Banchero at hindi naman niya ipinahihiya ang sarili at sa huling laro ay gumawa siya ng pitong puntos at pitong assists para maisantabi ang 6 na errors sa laro.
Sina Brian Williams, Justin Williams at Asi Taulava ang mangunguna uli sa koponan habang ang suporta ay inaasahang manggagaling kina Val Acuna, Leo Avenido at JR Cawaling.