^

PSN Palaro

Banchero sa semis babalik; Beermen asam ang 15-dikit

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

4 p.m. San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand Slammers

 

MANILA, Philippines - Sa semifinals na makakapaglaro ang mahusay na Fil-Am pointguard ng San Miguel Beer na si Chris Ban­chero.

Patuloy ang paghilom sa tinamong injury sa left quadriceps tendon ni Banchero pero minabuti ng coaching staff na palawigin ang kanyang pagpapa­hinga hanggang sa matapos ang eliminasyon para matiyak na lubusan  na itong magaling.

“Nasa  70 percent ng ma­galing ang kanyang injury pero hindi pa siya nakikipag-ensayo. Nami-miss namin ang kanyang pagla­laro pero mas maganda na bumalik siya na 100 per­cent kaya sa semis na siya makakapaglaro uli,” wika ni Beermen coach Leo Austria.

Muling sasalang sa aksyon ang Beermen sa Ynares Sports Arena sa Pasig City laban sa Sports Rev Thailand Slammers ngayong alas-4 ng hapon sa pagpapatuloy ng ASEAN Basketball League (ABL).

Pakay ng koponan ang ika-15 sunod na panalo at paborito ang home team  matapos ang 78-61 demolisyon sa Slammers noong nakaraang Miyerkules sa nasabing venue.

Si Paolo Hubalde ang patuloy na hahalili sa puwesto ni Banchero at hindi naman niya ipinahihiya ang sarili at sa huling laro ay gumawa siya ng pitong puntos at pitong assists para maisantabi ang 6 na errors sa laro.

Sina Brian Williams, Justin Williams at Asi Taulava ang mangunguna uli sa koponan habang ang suporta ay inaasahang manggagaling kina Val Acuna, Leo Avenido at JR Cawaling.

 

ASI TAULAVA

BANCHERO

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

CHRIS BAN

PASIG CITY

SAN MIGUEL BEER

SPORTS REV THAILAND SLAMMERS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with