MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang ginagawang pagtitipid ng Philippine Sports Commission na wala sa lugar.
Sinabi ni Escudero na may sapat na pondo ang PSC para sa epektibong kampanya ng mga atleta para sa Olympic Games sa 2016.
Inihayag ng PSC na nakatipid sila ng P500 milÂyon at ang P30 milyon dito ay nakalaan para sa partisipasyon ng mga atleta sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.
Kamakailan ay binawalan ng PSC ang pagsasaÂnay ng mga Filipino athletes sa ibang bansa.
Sinabi ng PSC na kukuha sila ng mga foreign coaches na magsasanay sa mga atleta rito sa bansa.
“There’s nothing wrong with hiring foreign coaÂches. There’s nothing wrong keeping SEA Games athletes at home and training them here. But with P500 million, PSC could spend it for several athletes with Olympic potential, or the PSC will have a hard time defending its next budget proposal before Congress since it has enough money to cover for its operations for a whole year or so,†ani Escudero.
Kinuwestiyon din ng Senador ang pagbubuhos ng PSC ng pondo sa paÂmaÂÂmahala ng bansa sa Asian Games Centennial Festival, isang side event na nakatakda sa Nobyembre 26-29 sa Boracay na dadaluhan ng mga opisyaÂles ng Olympic Council of Asia.
“I believe in the intention by the PSC to support the Philippine Olympic Committee in hosting the OCA Centennial, but it should not put its savings in one basket and then ask Congress again for more funds for the Olympic campaign,†wika ni Escudero.
Binawasan ng Myanmar ang mga events sa 2013 SEA Games kung saan lamang sila may tsansang manalo na inaasahan namang magbababa sa estado ng Pilipinas sa medal standings.