MANILA, Philippines - Patuloy ang pagdagsa sa idinadaos na 2013 MILO taekwondo summer classes sa iba’t-ibang Philippine Taekwondo Association (PTA) chapters at branches sa kabuuan ng Pilipinas.
Ang Olympic sport ay isa sa popular na martial arts sa bansa dahil naÂkapaghatid na ito ng maÂraming karangalan mula sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.
Marami ring matututunan ang mga sasali dahil bukod sa aspetong pisikal, ang isang jin ay nagkakaÂroon din ng matalas na kaisipan.
Ang ilang buwang pagsasanay sa taekwondo ay makakatulong para mapag-ibayo ang personaÂlidad ng isang indibidwal bukod pa sa pagkakaroon ng dagdag na kaalaman sa self defense.
Inorganisa ng PTA na kasapi ng World TaekÂwonÂdo Federation at kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, patuloy ang pagtanggap ng mga gustong matuto sa summer classes at maaÂaring makipag-ugnayan ang mga interesado sa mga teleponong 522-0518, 522-0519 at 524-0457 o di kaya ay mag-email sa phiÂlippinetaekwondo@gmail.com at philtkd@gmail.com.
Ang summer program na ito ay suportado rin ng SMART Communications, MVP Sports Foundation, PLDT, TV5 at Meralco.