Semis papasukin na ng Elite

Laro Ngyaon

( Ynares Sports Arena)

12 nn  Jumbo Plastic

vs EA Regen

2 p.m. Boracay Rum

 vs Blackwater Sports

4 p.m. Informatics vs NLEX

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay magta­tangka ang Blackwater Sports na angkinin ang pu­westo sa Final Four sa PBA D-League Foundation Cup sa pagharap sa palabang Boracay Rum ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Pilit na ipakikita ng tropa ni coach Leo Isaac ang pormang naghatid sa kopo­nan ng pitong panalo sa Waves sa kanilang tagisan na itinakda dakong alas-2 ng hapon.

Naunsiyami ang Elite na makopo ang isa sa dalawang awtomatikong semis seat na mapupunta sa unang dalawang ko­­ponan matapos ang eli­mi­nasyon nang dumapa sila sa nagdedepensang  NLEX Road Warriors, 73-81, noong Abril 29.

Kung masilat pa ang Elite, malaki ang posibilidad na tablahan sila sa unang puwesto ng Road Warriors na haharapin ang walang panalong Informatics sa huling laro dakong alas-4 ng hapon.

“Positibo ang aking pananaw na makakaya na­ming kunin ang insentibo, May dalawang laro pa kami at kailangang isa rito ay maipanalo namin,” wika ni Isaac.

Dapat ay todo-bigay ang kanyang mga alipores dahil  ang Waves ay nanga­ngailangan din ng panalo para lumakas ang laban sa quarterfinals.

May 5-4 karta ang at kasalo ang EA Regens sa mahalagang ikaanim na puwesto na siyang makakasama na aabante sa playoff.

Ang Team Delta na lu­masap ng 73-77 pagka­talo sa kamay ng Big Chill noong Martes ay magsisikap na bumangon sa pagsukat sa husay ng bagito ring Jumbo Plastic sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghalli.

Inspirado ang Giants dahil sa 4-5 karta ay may laban pa sila sa puwesto sa quarterfinals lalo na kung maipanalo ang huling dalawang asignatura.

Si assistant coach Adonis Tierra pa rin ang didiskarte sa NLEX dahil nasa US pa si head coach Boyet Fernandez ngunit walang nakikitang problema rito lalo pa’t may anim na sunod na panalo ang kanyang bataan habang ang Icons ay may siyam na sunod na kabiguan.

Show comments