MANILA, Philippines - Tinalo ni Bianca Carlos si Patrisha Malibiran, 21-11, 21-10, para angkinin ang girls’ Under-19 singles crown at kumpletuhin ang isang golden double sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) seventh leg sa San Fernando, Pampanga.
Nagmula sa isang 21-15, 21-13 paggiba kay Gelita Castilo sa Open finals, dinomina ni Carlos ang second seeded na si Malibiran para sa kanyang 25-minute victory at duplikahin ang kanyang pagwalis sa dalawang event noong nakaraang taon sa Makati leg ng annual event na itinataguyod ng MVP Sports Foundation.
Ibinulsa ng St. Paul College Pasig standout ang kabuuang premyong P90,000, kasama rito ang P70,000 sa premier division, sa nasabing five-day event na may basbas ng Philippine Badminton Association napinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at sec-gen Rep. Albee Benitez.
Bago ito, tinalo muna ni Carlos sa semis ng U-19 class si Nikki Servando, 21-19, 19-21, 21-10, bago ang kanyang title clash kay Castilo.
Inaasahang aarangkada si Carlos sa Open and U-19 ranking kasama ang kakampi niya sa Golden Shuttle Foundation na si Toby Gadi na nakamit ang kanyang ika-pitong sunod na men’s Open romp.
Giniba ni Gadi si Patrick Natividad, 16-21, 21-15, 21-11, sa finals, habang iginupo ni Roslee Pedrosa si Alvin Morada, 21-16, 21-12, upang sikwatin ang boys’ U-19 diadem.