Laro sa Sabado
( Ynares Sports Arena, Pasig City)
4 p.m. San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand Slammers
MANILA, Philippines - Nilimitahan lamang ng San Miguel Beer sa siyam na puntos sa second period ang bisitang Sports Rev Thailand SlamÂmers para katampukan ang 78-61 panalo sa ASEAN Basketball League (ABL) kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Lamang pa ng siyam na puntos ang Slammers, 28-19, nang hindi na nakaÂpuntos sa huling 4:55 ng labanan para ibigay sa Beermen ang pagkakataon na wakasan ang yugto sa 12-0 bomba at hawakan ang 31-28 kalamangan.
Mula rito ay hindi na nakabangon pa ang Slammers at nakatulong ang pagbagsak ng siyam na puntos sa yugto ni Jeric ForÂtuna para bigyan ng 54-45 bago nanalasa sina Val Acuna, Asi Taulava at Brian Williams para tuluÂyang lagukin ng Beermen ang ika-14 sunod na panalo at 17-3 karta sa kabuuan.
May 16 puntos at 20 rebounds si Williams habang si Taulava ay may 12 at 8 ang ibinigay ni Acuna.
Tumulong din si RJ RiÂzada sa kanyang 11 marka habang si Paolo Hubalde ay mayroong pitong assists upang isama sa kanyang pitong puntos.
May 28 puntos, 11 reÂbounds at 7 blocks si ChrisÂtien Charles pero mag-isa lamang niyang binalikat ang Slammers nang waÂlang ibang kakampi ang umiskor sa doble-pigura para makatabla uli ang paÂÂhingang Singapore Slingers sa mahalagang ikaapat na puwesto sa 7-13 baraha.
Ang dalawang koponan ay muling magtutuos sa Ynares sa Sabado.