MANILA, Philippines - Napagtagumpayan niÂna Toby Gadi at Bianca Carlos ang maipagpatuloy ang dominasyon sa Open singles nang manalo sa kanilang dibisyon sa pagtaÂtapos ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) seventh leg sa San Fernando, Pampanga kahapon.
Ikapitong sunod na titulo ang kinuha ng 24-anyos na si Gadi nang talunin ang number two seed na si Patrick Natividad, 16-21, 21-15 21-11, sa finals ng torneo na suportado ng MVP Sports Foundation.
Sa pamamagitan ng 21-15, 21-13, straight sets panalo laban kay Gelita Castilo naitala ni Carlos ang ikatlong sunod na doÂminasyon sa women’s division sa kompetisyong may basbas ng Philippine Badmindon Association (PBA) na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay, chairman Manny V. PangiÂlinan at secretary-general Rep. Albee Benitez.
Samantala, nakuha ni Roslee Pedrosa ang kauna-unahang malaking panalo nang dominahin si ninth seed Alvin Morada, 21-16m 21-12, sa boys’ U-19 division.
Hindi natalo si Pedrosa sa anim na laro na kinatampukan ng 21-12, 21-16, tagumpay sa sixth seed na si Christian Cuyno sa third round at 21-17, 21-19, tagumpay kay tenth seed Joshua Monterubio sa quarterfinals.
Nanaig naman si Daniel Pantanosas ng Corpus Christi kay Jourele Antonio ng City Shuttle-JB, 21-18, 21-14, para manalo sa boys U-15 sa ligang may basbas pa ng Victor.
Nanalo naman si seÂventh seed Iyah Sevilla sa girls U-15 gamit ang 21-18, 21-15, tagumpay kay sixth seed Aldreen Concepcion sa kompetisyong suportado rin ng Gatorade, Vineza, Sincere Construction at Krav Maga Philippines.
Sa doubles, nanalo sina Carlos Cayanan at Morada kina Monterubio at Paul Pantig, 21-10, 21-14, para sa boys’ U-19 habang sina John Bernardo at Chanelle Lunod ang kampeon sa U-15 mixed doubles nang iuwi ang 21-10, 21-11, panalo kina Leon Escobar at Joyce Santos sa torneong may ayuda pa ng TV5, The Philippine Star at Badminton Extreme Philippines Magazine bilang media partners.