Dalawang Chris ang nagpasaya sa mga fans ng PhiÂlippine Basketball Association sa Digos City, Davao del Sur kung saan ginanap ang taunang All-Star Weekend.
Ito’y walang iba kundi sina Chris Ellis at Chris Tiu na kapwa mga rookies sa 38th PBA season.
Kung tutuusin, sidelights lang naman ‘yung mga siÂnalihan nilang competition dahil sa ang tunay na main event ay ang All-Star Game kung saan nagharap ang PBA selection at ang Gilas Pilipinas.
Ito ay kaiba sa mga nakaraang All-Star Games kung saan ang nagsasalpukan ay ang dalawang magÂkaÂiÂbang selections ng PBA na North at South.
Pero dahil sa nais ng PBA na tulungan ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito para sa FIBA -Asia Men’s Championship na gaganapin sa Maynila sa Agosto, ang format na ito ang siyang ginamit.
Kasi parang panay PBA players din naman ang nagÂharap maliban kina naturalized Marcus Douthit (although dati siyang import ng Air21) at seven-foot amateur Gregory Slaughter.
So, dapat ay ‘yung all-Star Game ang pinagtuunan ng pansin ng mga taga-Digos City.
Pero siyempre, alam naman ng lahat na masyadong malakas ang Gilas Pilipinas kontra PBA selection.
At alangan namang matalo ang Gilas Pilipinas?
Kung natalo ang Gilas Pilipinas, aba’y wala itong karapatang katawanin ang bansa sa FIBA- Asia event.
Kung sa PBA selection ay matatalo sila, lalo silang ilalampaso ng kalaban sa FIBA- Asia event.
At dahil sa katotohanang iyan, kaunti lang tiyak ang excitement na naganap sa All-Star Game.
Hindi tulad noong Biyernes sa skills competition kung saan nga pinasaya nina Ellis at Tiu ang lahat kahit pa mga rookies lang sila.
Well, expected naman ng karamihan na si Ellis ang siyang hahalili kay Niño Canaleta bilang Slam Dunk King.
Hindi na kasi lumahok si Canaleta sa Slam Dunk competition dahil wala na siyang patutunayan pa maÂtapos na magkampeon sa huling limang staging ng contest na ito.
Nais ni Canaleta na sa ibang contest mamayani.
Gusto sana niyang magÂkampeon sa Three-Point Shootout pero hindi iyon nangyari.
Eh, siyempre, excited ang karamihan ng taga-DiÂgos lalo na ang mga BaÂrangay Ginebra San MiÂguel fans nang malaman na hindi lang isa kunÂdi dalawang Gin Kings ang kalahok sa Slam Dunk event.
Bukod kasi kay Ellis ay kasali rin si Elmer Espiritu na isa sa mga nagbigay ng maÂgandang laban sa kanÂya.
Nauna kay Ellis ay naÂmayagpag din si Tiu sa Three-Point Shootout kung saan nagtala siya ng 21 puntos upang talunin sa Finals sina Canaleta at JVee Casio.
Hindi nakarating sa Finals si Mark Macapagal na naghahangad sana ng ikaÂapat na sunod na titulo sa event na ito.
So, kay Tiu pa lang ay sumaya na ang mga taga-Digos.
Kasi nga’y alam naman ng lahat na sa mga rookies, si Tiu ang may piÂnakamaraming folloÂwers.
Hindi lang naman siya basketbolista, eh. Television personality pa siya.
Kina Ellis at Tiu ay siÂÂÂguradong nadagdagan ang fan following ng PBA.
At patuloy silang magniningning sa loob ng maÂtagal na panahon.