Phl wrestling team kumuha ng 1 gold, 3 silvers at 7 bronzes

MANILA, Philippines - Ibinigay ng tubong Quezon City na si Meldion Piñon ang gintong medalya sa Team Philippines para mag­­ka­roon ng magandang ki­nalabasan ang paglahok sa 6th Southeast Asian Junior and Cadet Wrestling Championships sa Suphanburi, Thailand.

Angat na ang 20-anyos na si Piñon sa 3-2 laban kay Le Aung Tung ng Vietnam nang magdesisyon ang re­fe­ree na itigil ang laban dahil sa patuloy na pagdugo ng ma­la­king putok sa mata na tumama sa tuhod ni Piñon ha­bang naggigirian sa mat.

May tatlong pilak at pitong tansong medalya rin ang koponang ipinadala ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) para higitan ang dalawang bronze me­dals na naiuwi ng tatlong wrestlers noong 2011.

Ang mga nanalo ng silver medal ay sina Joshua Ga­yuchan ng Ifugao (53kg. ca­det Greco-Roman), na­nalo ng bronze noong 2011, Marlou Onrubia ng Zamboanga (55kg. junior freestyle) at Rosegyn Malabja ng Ba­guio City (49kg. cadet wo­men).

Sina Michael Jay Cater ng Taytay, Vince Palanca ng Mandaluyong City at Jefferson Manatad ng Quezon City na naglaro sa Greco-Ro­man at sina Jerald Bosikaw ng Baguio City, Ronil Tu­bog ng Dumaguete City, Jo­seph Canolas ng Taytay at lady wrestler Kristine Jambora ng New Era University ang nag-uwi ng mga bronze me­dals.

 

Show comments