MANILA, Philippines - May mga Asian player pang makakapaglaro sa National Basketball Association.
Ito ang paniniwala ni dating Houston Rockets superstar Yao Ming na nagsabing posible ring may Filipino cager na makita sa aksyon sa NBA.
“There are good Iran players who can make it to the NBA, perhaps a Filipino or some Asian players from other countries can make it there also in the future,†wika ng 7-foot-6 na si Yao sa pamamagitan sa press conference kahapon ng Philippine-China Friendship Games sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel and Casino sa Pasay City.
Walang partikular na Filipino player na tinukoy si Yao, pero sinabing parehong magaling sa basketball ang mga Pinoy at mga Chinese.
Nasa bansa si Yao para sa dalawang exhibition gaÂmes ng kanyang Shanghai Sharks, kumakampanya sa Chinese Basketball Association.
Nakatakdang labanan ng Sharks ang Gilas Pilipinas II ni Chot Reyes ngaÂyong alas-7:30 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Haharapin naman ng Sharks ang PBA Selection ni Franz Pumaren sa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sinabi ni Yao na hindi siya makikita sa aksyon sa naturang dalawang goodwill games ng Sharks.
“I’m afraid it may not happen, my injury will not allow me to do that plus there’s no jersey for me anymore,†sabi ni Yao, nagÂretiro sa NBA noong 2011 matapos ang walong season sa Rockets.
Sinabi ni Yao na magiÂging magandang laban ang salpukan ng Sharks at Nationals.
Itatapat naman ng Gilas Pilipinas sina naturalized player MarÂcus Douthit, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Jeff Chan at Gary David at sina cadet members Greg Slaughter, Kevin Alas, RR Garcia, GarÂvo Lanete, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.