^

PSN Palaro

Shanghai sharks lalabanan ang Gilas 2 ngayon Asian players dadagsa pa sa NBA--Yao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May mga Asian player pang makakapaglaro sa National Basketball Association.

Ito ang paniniwala ni dating Houston Rockets superstar Yao Ming na nagsabing posible ring may Filipino cager na makita sa aksyon sa NBA.

“There are good Iran players who can make it to the NBA, perhaps a Filipino or some Asian players from other countries can make it there also in the future,” wika ng 7-foot-6 na si Yao sa pamamagitan sa press conference kahapon ng Philippine-China Friendship Games sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel and Casino sa Pasay City.

Walang partikular na Filipino player na tinukoy si Yao, pero sinabing parehong magaling sa basketball ang mga Pinoy at mga Chinese.

Nasa bansa si Yao para sa dalawang exhibition ga­mes ng kanyang Shanghai Sharks, kumakampanya sa Chinese Basketball Association.

Nakatakdang labanan ng Sharks ang Gilas Pilipinas II ni Chot Reyes nga­yong alas-7:30 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Haharapin naman ng Sharks ang PBA Selection ni Franz Pumaren sa alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinabi ni Yao na hindi siya makikita sa aksyon sa naturang dalawang goodwill games ng Sharks.

“I’m afraid it may not happen, my injury will not allow me to do that plus there’s no jersey for me anymore,” sabi ni Yao, nag­retiro sa NBA noong 2011 matapos ang walong season sa Rockets.

Sinabi ni Yao na magi­ging magandang laban ang salpukan ng Sharks at Nationals.

Itatapat naman ng Gilas Pilipinas sina naturalized player Mar­cus Douthit, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Jeff Chan at Gary David at sina cadet members Greg Slaughter, Kevin Alas, RR Garcia, Gar­vo Lanete, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.

 

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

CHOT REYES

FRANZ PUMAREN

GABE NORWOOD

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

GRAND BALLROOM

GREG SLAUGHTER

PASAY CITY

YAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with