Mayweather, Guerrero mag-uupakan ngayon

LAS VEGAS - Sinasabi niyang mas matured na siya dahil sa pagkakabilanggo ng dalawang buwan at gustong maging negosyante bukod sa pagiging boksingero.

Kumilos si Floyd Mayweather Jr. bilang isang negos­yante, habang isinigaw naman ng ama ni Robert Guerrero na isa siyang ‘woman beater’ na makalasap ng kauna-unahan niyang pagkatalo.

“The fighters are the ones who fight, not the fathers,” kalmadong wika ni Mayweather.

Tumimbang si Mayweather ng bigat na 146 pounds habang 147 naman si Guerrero para sa weight-class limit.

Maglalaban sina Mayweather at Guerrero sa isang 12-round welterweight title match ngayon sa MGM Grand hotel na siyang unang laban ni Mayweather ngayong taon.

Ito rin ang unang ring appearance ni Mayweather matapos ang kanyang jail term dahil sa pambubugbog sa ina ng kanyang mga anak.

Tinawag ni Mayweather si Guerrero na isang ipokrito sa pagpapakita na siya ay isang debotong Kristiyano ngunit naaresto naman dahil sa gun charges sa New York.  Ilang araw bago ang kanilang laban, sinabi ni Mayweather na ginamit ni Guerrero ang kanyang asawang may sakit na leukemia para makahakot ng mga fans.

“I’m glad she was able to beat leukemia, which is a great thing,” wika ni Mayweather. “But they keep selling the same story. It’s time to talk about something different.

 

Show comments