Hamon kay Fernandez
Dalawa hanggang tatlong games na mawawala si Teodorico Fernandez III sa piling ng NLEX Road Warriors dahil sa nagtungo siya sa Estados Unidos kasama ng San Beda Red Lions sa taunang training nila bilang paghahanda sa pagdedepensa ng kanilang korona sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).
In good hands naman ang Road Warriors at katunaÂyan ay nagwagi nga sila laban sa nangungunang BlackÂwater Sports kung saan si Adonis Tierra muna ang humawak sa kanila.
Kahit paano’y masasabing suwerte rin si Fernandez.
Kasi nga’y nang mag-disband ang Sta. Lucia Realty at binili ng Meralco ang prangkisa nito’y kinuha pa rin si Fernandez bilang assistant coach ni Paul Ryan Gregorio.
Hindi siya nabakante.
Katunayan, hinawakan pa nga niya ang University of the Philippines Fighting Maroons sa UAAP matapos na magbitiw si Aboy Castro. Pero dahil hindi naman niya nasimulan ang UAAP season na iyon at hindi na rin niya nabago ang takbo ng UP. Matapos ang season ay nagbitiw siya’t hinalinhan ni Ricky Dandan.
Mula roon ay ibinigay kay Fernandez ang NLEX at namayagpag siya sa PBA D-League kung saan napanaÂlunan nila ang unang apat na kampeonato ng liga. Oo’t malakas ang line-up ng NLEX pero kung bano ang coach nito, wala ring mapupuntahan. Kaya kahit paano’y feather in the cap para kay Fernandez ang paggabay sa Road Warriors.
Noong nakaraang season ay kinuha ni Ronnie MagÂsanoc bilang consultant si Fernandez sa San Beda. Ito’y matapos na palitan ni Magsanoc si Frankie Lim. Naigiya ni Magsanoc ang Red Lions sa kampeonato pero umayaw siya na hawakan sa ikalawang taon ang San Beda.
Dahil nandoon na si Fernandez, siya na ang inihalili kay Magsanoc kahit pa hindi siya produkto ng San Beda. Kasi nga’y maganda ang kanyang track record at kumpiyansa sa kanya ang patron ng Red Lions na si Manny V. Pangilinan.
Malaking hamon para kay Fernandez ito. Kasi nga’y champion team ang kanyang gagabayan. Inaasahang no less than another championship ang kanyang ibibigay sa Red Lions. At kailangan talaga niyang magtagumpay dahil hindi siya taga-San Beda.
Kung saka-sakali’y ngayon lang talaga makakaranas ng napakabigat na pressure sa kanyang balikat si Fernandez.
Kasi nga’y may ilang taga-San Beda na kinukuwestiyon ang kanyang appointment pero nagsaÂwalang kibo na lang dahil sa siya ang napili ni MVP at sumang-ayon naman ang mga pari.
Up to the challenge naman si Fernandez. Kasi, may gusto rin siyang patunayan hindi lang sa kanyang mga deÂtractors kungdi sa kanyang sarili na rin. Nais niyang ipakita sa lahat na kaya niyang magturo’t humawak ng mga batang manlalaro. Nais niyang ipakitang kaya niyang humubog ng mga future basketball superstars. Nais niyang patunayan na kaya niyang magkampeon sa level na ito kung siya ang magsisimula sa programa.
Kung magagawa niyang ihatid sa kampeoÂnato ang Red Lions, mabubura ang mapait na alaala ng masagwang performance niya sa UP noon.
Kasi, kahit ilang kampeonato pa ang mapanalunan ng NLEX sa PBA D-League, laging babalikan ng mga tao ang kabiguan ni Fernandez sa UP.
Kung saka-sakali’y mabubura na iyon.
- Latest