MANILA, Philippines - Pinangunahan nina JuÂsha Bugas at Kaylo Geronimo ang mga nanalo sa boys’ Under-19 class sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) seventh leg sa Pampanga kahapon.
Naglalaro para sa Space Shuttle Kidapawan, si Bugas ay bumangon mula sa pagkatalo sa unang set tungo sa 14-21, 21-17, 22-20, panalo laban kay LuiÂgi Tolentino ng Team Prima.
Ganito rin ang dinaanan ni Geronimo ng MSI Jr. Team Babolat kay Raph Lacson ng Team Prima sa inukit na 16-21, 21-16, 21-15, panalo.
Kabangga ni Bugas sa second round si Raku Hilario ng Allied Victor/UP na tinalo si Mark Eugenio, 21-15, 21-9, habang si Michael Navarro ng WhaÂckers Badminton Academy ang sunod na kapaluan ni Geronimo matapos manalo si Navarro kay Vincent Figueroa, 21-10, 21-7.
May 128 manlalarong lumahok sa U-19 category sa larong suportado ng MVP Sports Foundation.
Nanalo rin ang nagdedepensang kampeon na si Bianca Carlos bukod pa kina Annie Jung, Marina Calulitan, Airish Macalinao, Mikaela Aquino, Alyssa Rubio, Anne Chen, Dei Duquilla, Tyness Nolasco, Audrey Enriquez at Kate Tating.
Sina Justin Natividad at Mark Espinoza ay nanalo kina Asis Calma (21-6, 21-10) at Aleckhine Aquino (21-17, 21-6) sa Open men’s singles sa palarong may basbas ng Philippine Badminton Association sa pamumuno ni Vice President Jejomar Binay, chairman Manny V. Pangilinan at secretary-general Rep Albee Benitez.
Suportado rin ang paÂlaro ng Gatorade, Vineza, Sincere Construction, Victor Pcome Industrial Sales at Kray Maga Philippines habang ang TV 5, The Philippine Star at Badminton Extreme Philippines Magazine ang mga media partners.