MANILA, Philippines - Sa Mayo 5 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada ay itataya ni Floyd Mayweather Jr. ang kanyang undefeated record sa kanyang pagsagupa kay interim WBC welterweight champion Robert Guerrero.
Ibabahagi ng Solar Sports ang nasabing laban ng 36-anyos na si Mayweather (43-0 26KO’s) kay Guerrero (31-1-1 18 KO’s).
Sa pagitan ng dalawang fighters, maraming pagkakatulad at pagkakaiba na siyang inaasahang magbibigay ng pananabik sa mga boxing fans.
Parehong 5-fot-8 ang dalawa, ngunit magkaiba ng istilo sa pakikipaglaban.
Si Mayweather ay isang orthodox boxer, habang si Guerrero ay isang southpaw.
Sa kabila ng unti-unting pagtanda, taglay pa rin ni Mayweather ang kanyang bilis na humirang sa kanya bilang undisputed champion.
Ang coverage ng Mayweather-Guerrero fight ay isasaere ng Solar Sports simula bukas ng alas-6:40 ng umaga para sa live feed ng weigh-in, habang ang initial airing ng episodes 3 at 4 ng All-Access Mayweather-Guerrero ay ipapalabas sa ganap na alas-9 hanggang alas-10 ng gabi.
Ang fight card ay ipapaÂlabas via satellite sa Linggo mula alas-10 ng umaga, habang ang replays sa Mayo 6 sa ganap na ala-1 ng hapon at sa May 8 sa alas-3 ng hapon at sa Mayo 10 sa ala-1 ng hapon.