Pacquiao lalaro sa PBA All-Star Game
Laro Ngayon
(Davao del Sur Coliseum)
5p.m. PBA All-Star Skills Events
6 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game
DIGOS City, Philippines -- Kung magkakataon, bukod sa pasisiyahin ng mga PBA Stars ang mga fans, lalo silang matutuwa kung darating ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at makibahagi sa kaÂsiyahan.
Sinabi ni Gov. Douglas Cagas ng host Digos City na malaki ang posibilidad na darating ang Sarangani Congressman na nagpaÂsabi ng kanyang kagustuhang makapaglaro sa PBA Greats vs Stalwarts game na nakatakda sa dakong alas-6:00 ng gabi ngayon.
Tampok sa Skills events na sisimulan sa alas-5:00 ng hapon ay ang slam dunk contest kung saan nagpaubaya na ang five-time champion na si KG Canaleta.
Maglalaban-laban para sa titulo ng hari ng dakdakan sina Calvin Abueva, Arwind Santos, Chris Ellis, Rey Guevarra, Cliff Hodge at Elmer Espiritu.
Idedepensa naman ni Mark Macapagal ang kanyang titulo sa three-point shootout laban kina James Yap, Mark Caguioa, Niño Canaleta, JV Casio, Marcio Lassiter, Willie Miller, Ronjay Buenafe at Chris Tiu.
Defending champion din si Jonas Villanueva sa Obstacle Challenge kung saan ang mga hahamon sa kanya ay sina Willie Miller, Marc Barroca, Chris Ellis, Ronal Tubid, JV Casio, Ronjay Buenafe, Paul Lee, Simon Atkins at Pamboy Raymundo.
Tampok sa PBA All-Star week na ito ay ang All- Star Game sa pagitan ng PBA Selection Team at ng Gilas Pilipinas na makikita ng publiko sa kauna-unahang pagkakataon sa Linggo.
Nangako ang mga PBA Select team na binubuo nina Yap, Caguioa, Abueva, Santos, Ellis, Canaleta, Alex Cabagnot, Jay Washington, Cyrus Baguio, Casio, Marcio Lassiter, Beau Belga sa ilalim ni coach Luigi Trillo na hindi nila pagbibigyan ang Gilas Pilipinas na naghahanda para sa FIBA-Asia Championships na gaganapin sa MOA Arena sa Pasay City sa Agosto 1-11.
Ang Gilas Pilipinas ay binubuo naman nina Jimmy Alapag, LA Tenorio, Marc Pingris, Sonny Thoss, Gabe Norwood, JunMar Fajardo, Jason Castro, Larry Fonacier, Jeff Chan, Gary David, Ranidel De Ocampo, Jared Dillinger, Japeth Aguilar, Marcus Douthit at Greg Slaughter.
“Pasensiyahan na lang,†sabi ni Belga sa press conference kahapon sa Davao Del Sur Coliseum.
- Latest