MANILA, Philippines - Dalawang malalaking pool events na nasa ilalim ng pangangasiwa ng inteÂr national body na World Pool-Billiard Association ang kinansela sa naunang itinakdang petsa.
Ang World 8-Ball Championship at ang World 10-Ball Championship ay hindi na matutuloy sa Mayo at Hunyo dahil umatras ang mga sponsors na inasinta para siyang tumulong sa pagtataguyod ng torneo.
Ang World 8-Ball Championship ay dapat gaÂgawin sa World Trade Center sa Dubai mula Mayo 6 hanggang 11 sa bagong promoter.
Ito sana ang ikawalong edisyon ng kompetisyong binigyang buhay noong 2004 at ginagawa sa Fujairah sa United Arab EmiÂrates. Kabilang sa mga naÂnalo sa naunang pitong edisyon ay sina Efren Reyes (2004), Ronato Alcano (2007) at Dennis Orcollo (2011).
Kinansela naman ang World 10-Ball Championship na dapat ay lalaruin sa Norway dahil ang tatayong organizer ng New Boy Promotions ay hindi makakuha ng sponsors.
Ang palarong ito ay nagsimula noong 2008 at ang unang edisyon at ang sumunod na ginanap noong 2009 at 2011 ay itinaguyod sa Pilipinas.
Maaaring gawin pa rin ang World 10-Ball bago matapos ang taon pero maghahanap din ang WPA ng bansa na puwedeng tumayo bilang punong-abala ng kompetisyon.
Ang dalawang World Championships na ito ay kasama sa limang torneong pinagbabasehan ng WPA para sa rankings ng mga manlalaro sa bilyar.
Bunga ng pagkakansela ng 8-ball at 10-ball, naiwan ngayon ang World 9-Ball Championship, China Open, US 9-Ball Open at All-Japan Championship para makakuha ng ranking points ang mga bilyarista para malaman kung sino ang magiging number one sa pagtatapos ng taon.
Ang China Open na bukas para sa kalalakihan at kababaihang manlalaro, ay itinakda mula Mayo 12-19 sa Shanghai, China.
Samantala, sina Francisco Bustamante at Orcollo ang nangunguna sa talaan ng palakihan ng kinita na sa bilyar matapos ang apat na buwan.
Sa ipinalabas ng AZBilliards.com, si Django ang una sa nakuhang $45,893.00 kita bago suÂmunod si Orcollo sa $34,300.00. Nasa ikatlo si Shane Van Boening sa $29,285.00, sumunod sina Fil-Canadian Alex PagulaÂyan ($22,150.00) at Corey Deuel ($17,250.00).