Laro Bukas
(Cultural and Business Center, Digos City)
5 p.m. PBA All-Star Skills Events
6 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game
DAVAO CITY, Philippines --Mainit na sinalubong ng Davaeños ang mga paborito nilang basketbolista sa pagdating dito ng PBA delegation para sa All-Star Week.
Bukod sa mga sumalubong sa Davao airport, na-silayan din ng mga panatiko ng PBA ang kanilang mga hinahangaang PBA players sa isinagawang motorcade mula dito sa Davao City patungong Digos City kahaÂpon ng hapon.
Sa araw na ito, makikisalamuha ang mga PBA stars sa kanilang mga fans sa isasagawang tree planÂting sa Davao del Sur Coliseum, pagbisita sa mga may sakit sa Davao del Sur Provincial Hospital bukod pa sa mall tour sa Gaisano Mall sa Digos.
Gaganapin bukas sa Sports, Cultural at Business Center ng Davao del Sur ang mga Skills events na Obstacle Challenge, Three-Point Shootout at Slamdunk contests simula sa alas-5:00 ng hapon na susundan ng laban ng PBA Greats versus Stalwarts.
Inaasahang makikibahagi ang Pambansang kamao sa larong ito para sa Stalwarts ngunit wala pang pormal na kumpirmasyon kahapon habang sinusulat ang balitang ito na sana ay lalong magbibigay kulay sa larong ito.
Sa Sabado, magkakaroon ng basketball court painting sa Brgy. Zone 2 ang mga PBA stars, basketball clinic sa Davao del Sur Coliseum ang Gilas Pilipinas at may mall tour uli sa Gaisano Digos.
Bilang pang-finale, itaÂtanghal ang All Star Game kung saan tampok ang Gilas Pilipinas 2 na masiÂsilayan sa unang pagkakataon sapul nang mabuo ito na haharap sa PBA SeÂlection pagkatapos ng Shooting Stars competition na sisimulan sa alas-5 ng hapon.