^

PSN Palaro

Pinas palaban sa gold sa AYG

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagsali ng isang batang babaing judoka na nanalo ng bronze medal sa Indonesia SEA Games at ang kambal na sprinter na Fil-Ams ang nagpapatibay sa inaasam na gintong medalya sa 2nd Asian Youth Games na gagawin sa Nanjing, China mula Agosto 16 hanggang 24.

Si Kiyomi Watanabe, edad 16-anyos ay isa sa anim na judoka na pinangalanan para sa kompetisyon at siya ay maglalaro sa minus 70-kilogram.

Noong 2011 ay nanalo ng bronze medal si Watanabe at siya ay kabilang sa priority athletes ng judo sa programa na ipinaiiral ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Siya ay nanalo ng bronze sa competition na ang mga kasali ay mas matatanda sa kanya. Ngayon ay nagte-training siya sa Japan at sa tingin ko ay malaki ang tsansa niyang manalo sa Asian Youth Games,” wika ni Chief of Mission Nathaniel “Tac” Padilla.

Sa athletics din nakikita ni Padilla ang posibilidad na makakuha pa ng ginto ang delegasyon dahil isinama ng PATAFA ang kambal na Fil-Ams na sina Kyla at Kayla Richardson.Ang magkapatid ay tumatakbo sa 100-m distance sa 12 segundo at lampas na ito sa gold medal time ni Lee Sun-Ae ng South Korea sa 2009 AYG sa Singapore na 12.16 segundo.

Ang mga Richardsons ay darating sa bansa at sasali sa Philippine National Games na gagawin sa huling linggo ng buwan ng Mayo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

“We are excited this year. With the talents our athletes have, we are looking at surpassing the performance we did in the first AYG in 2009,” dagdag ni Padilla.

Tumapos ang Pilipinas taglay ang isang pilak at isang bronze medal at ang pangalawang puwesto ay nakuha ni Stephanie Cimato sa javelin throw habang ang bowler na si Jose Collins sa masters event ang nanalo ng ikatlong puwesto.

ASIAN YOUTH GAMES

CHIEF OF MISSION NATHANIEL

FIL-AMS

JOSE COLLINS

KAYLA RICHARDSON

LEE SUN-AE

METRO MANILA

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with