Mabuti na lang at may All-Star break ang PBA para mabawasan naman ang init ng ulo ng ilang players.
Sa pangunguna ni James Yap ng San Mig Coffee at Calvin Abueva ng Alaska, naging mas exciting ang kanilang best-of-five semis sa ginaganap na CommisÂsioner’s Cup.
Nagsimula ang inisan o pikunan ng dalawa nung Game 1. Naging pisikal ang kanilang bantayan at halos magkapalitan na sila ng mukha.
Matapos ang laro, na ipinanalo ng San Mig, sinabi ni James sa TV interview na minsan silang nagkatabi ay nagsalita raw si Abueva na “Ang guwapo mo pala.â€
Ang sagot ni James? “I-kiss mo na lang ako.â€
Nasaktan yata ang pagkalalaki ni Abueva kaya sa Game 2 nung Lunes ay lalung naging pisikal pa ang kanyang laro. Pero nagbunga ito dahil nalimitahan niya si James sa limang puntos lang buong gabi.
Umangal si James na nananakit na raw si AbueÂva.
“He’s making siko to me†ang marahil na tono ng complaint ng mas guwapong San Mig player matapos ipanalo ng Alaska ang Game 2 at itabla ang serye.
Hindi ko naman kinakampihan si James dahil naÂsasaktan din naman si Abueva na hinilamusan nga ni Leo Najorda na siya namang natawagan ng flagrant foul.
At eto naman si Pingris, ang manugang ni Bossing Vic at kakampi ni James, na sumali pa sa eksena.
Sabi ni Pingris ay hindi siya natatakot kay Abueva at halos nangako na sa Game 3 ay matitikman ni Abueva ang tunay na pisikal na laro.
Abangan sa Game 3.