MANILA, Philippines - Pinagsamang puÂwersa ng mga nasa Gilas at Cadets pool ang ipantatapat ni national coach Chot Reyes sa bisitang Shanghai Sharks sa kanilang exhibition game sa Mayo 6 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tinapik ni Reyes sina Gabe Norwood, Jeff Chan, Gary David, Japeth Aguilar at JunMar Fajardo mula sa naunang ninombra na 17-man national pool na ipanlalaban sa FIBA Asia Men’s Championship sa Agosto sa Pilipinas.
Isinahog dito ang mga mahuhusay na batang manlalaro sa Cadets na sina Kevin Alas, Garvo Lanete, RR Garcia, Greg Slaughter, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.
Ang 6’10 naturalized center Marcus Douthit ang kukumpleto sa 13 manlalaro. Masasabing kumpleto ang team dahil may maÂlalaking manlalaro at may shooters bukod sa kakayahang tumakbo para pagurin ang kalaban.
Nagpatawag ng tatlong araw na pagsasanay si Reyes para mabuo ang team chemistry na mahalaga para maigupo ang malakas na katunggali
Ang Sharks na pag-aari ni dating Houston Rockets center Yao Ming, ay pamumunuan nina 6’3 point guard Liu Wei, 7’3 center Zhang Zhaoxu at 6’10 Ji Xiang.
Ang exhibition games na ito ay proyekto ng PhiÂlippine Sports Commission (PSC) at ang tiket sa nasabing laro ay ibinaba ang presyo sa 50%.