MANILA, Philippines - Kinuha ng mga national athletes na sina Eric Panique at Mary Grace delos Santos ang pinaglabanang 2nd Del Run (Save The Marikina Watershed) na ginawa noong Linggo sa Marikina Sports Park.
Sa 21-k distansya kuÂmarera ang dalawang premyadong marathoners at si Panique ng HimaÂmaylan City ay naorasan ng 1:13:01 habang si Delos Santos ay may 1:29:34).
Pumangalawa sa kalaÂlaÂkihan si Ireneo Raquin (1:13:06) habang si Rene Desuyo ang pumangatlo(1:21:33).
Sina Janice Tawagan (1:35:27) at CindeÂrella Lorenzo (1:42:00) ay pumangatlo sa kababaihan.
Sa iba pang nagsipanalo, si Richard Solano (33:17) at Janette Agura (42:26) ang kampeon sa 10-K; wina Ferdinand Corpuz (13:21) at Mae Ann Gongob (18:20) ang sa 5-k.
Kinilala naman sina Ralph Roxas (10 anyos) at Izza Aga (8) anyos ang pinakabatang tumapos sa karera habang si 71-anyos na si Renato Garcia ang pinakamatandang runner.
Nasa 1,500 runners ang sumali sa paÂtakÂbong inorganisa ni Marikina MaÂyor Del de Guzman na ang layunin ay makalikom ng pondo na gagamitin para sa pagtatanim ng 100,000 robusta coffee at maprotektahan ang 27,000 ektarÂyang Marikina Watershed.