MANILA, Philippines - Pangungunahan nina Toby Gadi at Bianca Carlos ang mga kalahok sa seÂventh leg ng P1 million MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) sa Biyernes sa Excel Badminton Center sa San Fernando, Pampanga.
Halos 400 players ang nagpatala para sa five-day tournament, kasama rito ang mga miyembro ng national pool at mga junior players na naghahangad ng ranking points sa torneo na itinataguyod ng MVP Sports Foundation.
Kapwa winalis nina Gadi at Carlos ng Golden Shuttle Foundation ang premier Open singles titles noong nakaraang taon at gustong mapanatiling suot ang kanilang mga korona.
Maghahamon kay Gadi sina Paul Vivas, Peter Magnaye, Patrick Natividad at Charlo Tengco sa men’s singles, habang sina Gelita Castilo, Janelle de Vera, Nikki Servando, Jen CayeÂtano, Dia Magno at Danica Bolos ang makakasukatan ni Carlos sa ladies side.
Sina top seed Jose Lorenzo Yason at No. 2 Clarence Filart ang babandera naman sa boy’s singles field kasama sina Mark Alcala, Jon Masongsong at Kyle Gosiaco.
Pamumunuan din ni CarÂlos ang labanan sa girls’ U-19 category bukod pa kina No. 2 Patrisha Malibiran, Ma. Victoria Vizmonte, Pauline Escobar at De Vera.
Sina Ronald OngÂcuangco at Sarah Barredo ang babandera sa U-15 division ng nasabing ranking badminton tournament na may basbas ng Philippine Badminton Association sa pamumuno ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.