Aces nakaisa rin sa Mixers

Laro sa Mayo 3

(Davao City)

5 p.m. PBA All-Star Skills Events

6 p.m. PBA Greats vs Stalwarts Game

 

 

MANILA, Philippines - Matapos magtayo ng isang 17-point lead sa first half ay hindi na nilingon pa ng Aces ang Mixers para itabla ang kanilang best-of-five semifinals series sa 1-1.

Naging agresibo mula umpisa hanggang sa katapusan ng laro, pinayukod ng Alaska ang nagdedepensang San Mig Coffee, 86-67, sa Game Two para sa 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa SM MOA Arena sa Pasay City.

Kinuha ng Aces ang isang 17-point lead, 39-22, sa 5:54 ng second period mula sa isang three-point shot ni JVee Casio bago ito pinalobo sa isang 23-point advantage, 63-40, sa gitna ng third quarter para resbakan ang Mixers, na­naig sa Game One, 71-69, noong Sabado.

Nagawa pa ng San Mig Coffee na makalapit sa 62-71 mula sa tirada ni PJ Simon kasunod ang basket ni Sonny Thoss at slam dunk ni import Robert Dozier para muling ilayo ang Alaska sa 76-61 sa 3:09 ng final canto.

At sapat na ito para angkinin ng Aces ang ka­nilang unang panalo laban sa dati nilang mentor na si Tim Cone matapos ang 0-8 record.

“It’s not dirty. It’s just physical,” sabi ni Alaska coach Luigi Trillo. “It’s not about James (Yap) versus Calvin (Abueva) or JVee (Casio) versus (Mark) Barroca. You know it’s more than that.”

Samantala, muling mag­­kikita ang San Mig Cof­fee, Alaska, Ginebra at Talk ‘N Text sa Mayo 8 para sa Game Three ng kani-kanilang semis showdown sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ay dahil sa pagdaraos ng 2013 PBA All-Star Week sa Digos City, Davao del Sur.

Tumabla ang Tropang Texters nang kunin ang 85-79 tagumpay sa Game Two noong Linggo matapos pitasin ng Gin Kings ang Game One, 104-81, noong Biyernes.

Show comments