Ang halaga ni Caguioa
Ito’y usapang biruan lang buhat sa ilang kaibigan ko na lubhang nasiyahan sa panalong naitala ng Barangay Ginebra San Miguel kontra Talk N Text sa Game One ng kanilang PBA Commisisoner’s Cup best-of-five se-mifinals series noong Biyernes sa Araneta Coliseum.
Sabi kasi ng isa kong pilyang kaibigan na maka-GiÂnebra naman ay “Mabuti pang wala si Mark Caguioa, e. Nananalo ang team ko at nakakarating sa semis!â€
Kasi nga naman ay nangyari din ito noong nakaraang season kung saan nawala nga si Caguioa matapos na magkadiperensya sa mata at umabot naman sa seÂmifinals ang Ginebra. So, kahit paano’y nabubuhat ng ibang Gin Kings ang kanilang koponan. Lumalabas ang husay ng ibang players sa pagkawala ni Caguioa.
Pero teka, teka, teka.
Sagot naman ng isa pang kaibigan ko, “Umabot nga sa semis ang Ginebra noong wala si Caguioa. pero hindi sila nakarating sa Finals. Kaya kailangan pa rin nila si Caguioa.â€
Well, ganoon nga ang nangyari. Kasi nga’y mahirap naman na pumasok sa mas malaki’t matinding giyera ang isang team nang wala ang kanilang number one player.
Kahit paano’y mararamdaman nila ang bigat ng pagÂkawalang iyon.
Kaya nga maganda ang nangyaring tinalo ng Gin Kings ang Tropang Texters sa Game One. Ibig sabihin, the best na pwedeng gawin ng Tropang Texters ay ang maitabla ang serye, 1-all kung sila ay nagwagi kagabi.
At kung nangyari to, aba’y magkakaroon ng mahabang panahon si Caguioa na gumaling buhat sa kanyang inury at makabalik sa Game Three na itinakda sa Mayo 8.
E paano pa kung nagwagi ang Gin Kings sa Game Two at nakapagtala ng 2-0 kalamangan kontra Talk N Text? E di puwedeng ipahinga pa rin si Caguioa sa Game Three.
Ang tanong lang kasi diyan ay ito: Kung sakaling makarating ang Gin Kings sa Finals nang wala si Caguioa, puwede pa rin bang maging contender ang manlalarong tinaguriang “The Spark†para sa Most VaÂluable Player award?
Kasi nga, kahit paano’y gusto rin ni Caguioa na magÂsabay ang MVP at kampeonato para sa kanya. Noon kasing nakaraang season ay naging MVP si Caguioa kahit na hindi nakarating sa Finals ng alinman sa tatlong conferences ang Gin Kings.
Sa totoo lang, first time ito sa history ng PBA. First time na ang MVP ay nanggaling sa team na hindi naÂging finalist sa isang season.
So, parang may kulang.
At iyon ang gustong punan ni Caguioa ngayon. Iyon ang ipinangako niya sa mga fans ng Ginebra matapos na makamtan niya ang MVP award.
So, sa palagay ko at ng mga kaibigan ko, kung makakarating ang Gin Kings sa Finals, pipilitin na ni CaÂguioa na maglaro kahit na ano pa ang nararamdaman niya. Sa totoo lang, baka nga kagabi lang ay puwede na siyang maglaro, e. Hindi lang siya pinupuwersa ni coach Alfrancis Chua.
Kumbaga’y tinitiyaga ng mga kakampi niya ang sitÂwasyong wala siya upang sa kanyang pagbabalik ay 100 percent healthy na siya at mas malaki ang maÂitutulong niya.
Definitely, kailangan pa rin ng Barangay Ginebra San Miguel ang presence ni Caguioa sa hardcourt.
- Latest