Wakasan ang Jinx!
Kung ikaw si Alaska Milk coach Luigi Trillo at pinaÂpili ka kung alin ang gusto mong makaharap sa best-of-five semifinals ng 2013 PBA Commissioner’s Cup, ano ang pipiliin mo: Meralco Bolts o defending champion San Mig Coffee?
Walang plastikan ito, pero siguradong ang pipiliin mo ay Meralco Bolts!
Eh dun lang sa katagang ‘defending champion’ ay malamang na maandap ka na, eh. Hindi ba?
Sa kasalukuyang conference ay minsan lang nagÂhaÂrap ang Aces at Bolts. Tinalo ng Alaska Milk ang MeÂralco, 85-81, noong Penrero 13.
Dalawang beses namang nagkita ang Alaska Milk at San Mig Coffee. At dalawang beses na namayani ang Mixers. Unang nanalo ang San Mig Coffee, 75-68, noong Marso 6. Nakaulit sila, 84-83, noong Marso 23.
So, sa match-up sa kasalukuyang conference, natural na Meralco na ang pipiliin, hindi ba?
E kung babalik ka pa sa match-up buhat noong naÂkaraang season?
Mula kasi nang iwan ni coach Tim Cone ang Alaska Milk at lumipat upang tanggapin ang bench job sa SanMig Coffee, (dating B-Meg), aba’y hindi pa nananalo sa kanya ang kanyang dating koponan.
Sa kabuuan ay walong beses na niyang tinatalo ang Alaska Milk. Kumbaga’y para bang ipinamumukha ni Cone sa Aces na hindi nila siya kayang talunin!
So, kung ikaw si Trillo at binigyan ka nga ng pagkakataong mamili, bakit mo pipiliin ang San Mig Coffee? Bakit mo iuumpog ang ulo mo sa pader?
Kaso’y hindi puwedeng mamili! Kung ano ang duÂmating, iyon ang haharapin!
So, Alaska versus San Mig Coffee ang nangyaring match-up.
Ito’y matapos na makabangon ang San Mig Coffee sa pagkatalo sa Meralco Bolts, 88-85, sa Game One ng quarterfinals at magwagi sa Game Two (100-92) at Game Three (90-82).
Nauna nang nakarating ang Aces sa semifinals nang talunin nila ang Air21, 87-81, noong nakaraang Sabado. Kasi nga’y nagkaroon ng ‘twice-to-beat’ na benÂtahe ang Alaska Milk sa quarterfinals pagkatapos magposte ng 11-3 karta sa elims.
So, isang linggo ring nakapagpahinga ang Aces. Isang linggo ring hindi nabugbog ang mga injured plaÂyers ni Trillo. Isang linggo rin nilang napaghandaan ang katunggali sa semis.
Sa totoo lang, malamang sa pinaghandaan nga ni Trillo ang San Mig Coffee. ‘Ika nga, ‘prepare for the worst!’
Kasi nga’y mayroon namang kasabihan ang mga matatanda na para makalimutan mo ang isang bagay na kinatatakutan mo’y dapat na daanan mo ito’t lampaÂsan. Dapat ipakita mo sa lahat na hindi mo ito kinatatakutan. Dapat na patunayan mo sa sarili mo na kaya mo ang pinakamatinding pagsubok na darating sa iyo.
Iyan marahil ang motivation na ginagamit ni Trillo sa kanyang mga bata.
Sa totoo lang, mas malaki ang pressure sa balikat ni Cone ngayon, eh.
Kasi, kung tutuusin, kapag natalo ang Alaska Milk sa serye, para bang expected na ng karamihan iyon base sa records nilang dalawa.
Eh, kapag tinalo ng Alaska Milk ang San Mig, aba’y ituturing na napakalaking breakthrough iyon. A feather in the cap para kay Trillo.
- Latest