MANILA, Philippines - Maipagmamalaki ng Triathlon Association of the Philippines ang K-Swiss SuÂbic Bay ASTC Asian Triathlon Championship (SUBIT) sa Subic Bay Freeport bilang pinakamaÂlaki sa kasaysaÂyan ng kompetisyon.
Magsisimula ngayon ang tatlong araw na paligsahan sa triathlon at ang mga bigating triathletes sa mundo ay sasali sa Elite Male at Female para paÂtingkarin ang palarong inorganisa ng TRAP katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) at may basbas ng K-Swiss.
Bukod sa kompetisyon ay may magaganap na pagÂpupulong sa hanay ng Asian Triathlon Confederation na ginawa kahapon sa Lighthouse Marina Resort at nanguna sa dumalo ay ang ASTC president Yu Kung Sun.
Bukod kay Sun ay nasa bansa rin ang ITU Sports Director Gergely Markus na sasaksihan ang torneo.
Sina POC president Jose Cojuangco at PSC commissioner Salvador Andrada ang mangunguna sa mga local officials na magpapakita ng suporta sa tatlong araw na event na may ayuda rin ng Standard Insurance, Century Tuna, SPEEDO, David’s Salon, Asian Centre for Insulation Philippines (ACIP), Gatorade, Fitness First, Garmin, Canon, PLDT, Harbor Point Ayala Mall, SM Cares Subic at Philippine Sports Commission.