MANILA, Philippines - Binura ni Joida Gagnao ang dalawang Palarong Pambansa records sa athletics upang magpatuloy ang mainit na laro ng WesÂtern Visayas sa centrepiece event na ginagawa sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Naorasan ang tubong Guimaras ng 10:22.6 para tabunan ang 10:34.1 na dating marka ng kakamÂping si Juneza Mie SustiÂtuedo na ginawa sa LingaÂyen, Pangasinan noong nakaraang taon sa secondary girls 3000m event.
Ito ang ikalawang record ni Gagnao sa ikalawang araw ng kompetisyon dahil noong Huwebes ng hapon ay binura niya ang 1991 record na 4:47.9 na hawak ni Bolobo Policomia sa 1,500m run sa kinamadang 4:45.2 bilis.
Ikapito sa siyam na magkakapatid, si Gagnao ay ulila na sa tatay pero nagsisikap na gumawa ng pangalan para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang iba niyang kapatid ay nasa Maynila at nagtatrabaho para itulong sa kanilang ina na si Ellen.
“Gusto ko pong maging titser balang araw,†aniGagnao sa kanyang pangarap.
Kumubra pa ang WesÂtern Visayas ng tatlong ginto matapos ang pang-umagang laro para iangat na ang gold medal tally sa athletics sa 22 ginto.
Nakasama ni Gagnao na nagbigay ng karangalan ay si Christopher Lirazan na kinuha ang ikatlong gintong medalya sa 200m run sa 22.3 segundo tiyempo para isama sa 100m at 400m run gold medals.
Ang mga Northern Mindanao runners na sina Eloisa Luzon at John Ray Suaybaguio ay nagwagi rin at si Luzon ay hinirang bilang ‘sprint queen’ sa secondary girls nang maorasan ng 25.9 segundo sa 200m event.