^

PSN Palaro

Humahabol sa NCR sa paghakot ng Golds 2 Palaro records sinira ni Gagnao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binura ni Joida Gagnao ang dalawang Palarong Pambansa records sa athletics upang magpatuloy ang mainit na laro ng Wes­tern Visayas sa centrepiece event na ginagawa sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Naorasan ang tubong Guimaras ng 10:22.6 para tabunan ang 10:34.1 na dating marka ng kakam­ping si Juneza Mie Susti­tuedo na ginawa sa Linga­yen, Pangasinan noong nakaraang taon sa secondary girls 3000m event.

Ito ang ikalawang record ni Gagnao sa ikalawang araw ng  kompetisyon dahil noong Huwebes ng hapon ay binura niya ang 1991 record na 4:47.9 na hawak ni Bolobo Policomia sa 1,500m run sa kinamadang 4:45.2 bilis.

Ikapito sa siyam na magkakapatid, si Gagnao ay ulila na sa tatay pero nagsisikap na gumawa ng pangalan para magkaroon ng magandang kinabukasan. Ang iba niyang kapatid ay nasa Maynila at nagtatrabaho para itulong sa kanilang ina na si Ellen.

“Gusto ko pong maging titser balang araw,” aniGagnao sa kanyang pangarap.

Kumubra pa ang Wes­tern Visayas ng tatlong ginto matapos ang pang-umagang laro para iangat na ang gold medal tally sa athletics sa 22 ginto.

Nakasama ni Gagnao na nagbigay ng karangalan ay si Christopher Lirazan na kinuha ang ikatlong gintong medalya sa 200m run sa 22.3 segundo tiyempo para isama sa 100m at 400m run gold medals.

Ang mga Northern Mindanao runners na sina Eloisa Luzon at John Ray Suaybaguio ay nagwagi rin at si Luzon ay hinirang bilang ‘sprint queen’ sa secondary girls nang maorasan ng 25.9 segundo sa 200m event.

BOLOBO POLICOMIA

CHRISTOPHER LIRAZAN

DUMAGUETE CITY

ELOISA LUZON

GAGNAO

JOHN RAY SUAYBAGUIO

JOIDA GAGNAO

JUNEZA MIE SUSTI

MARIANO PERDICES MEMORIAL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with