MILWAUKEE -- May pagkakataon ang Heat na walisin ang kanilang playoff series sa unang pagkakaÂtaon matapos sumama siÂna LeBron James at Chris Bosh kay Dwyane Wade sa Miami sa kanilang pagsagupa sa Milwaukee Bucks sa Game 4 sa Linggo.
“This is the next step in our development,†sabi ni James matapos igiya ang Heat sa 3-0 bentahe mula sa isang 104-91 paggupo sa Bucks sa Game 3 noong Huwebes ng gabi.
Nakamit na rin ng Heat ang isang 3-0 lead sa kanilang first-round series kontra sa Philadelphia 76ers noong 2011 at laban sa New York Knicks noong 2012.
Ngunit pareho silang naÂÂpuwersa sa Game 5 na gusÂto nilang basagin sa pakikipagharap sa Bucks.
Sinubukan ng Milwaukee na lumayo sa third period.
Isinalpak ni Brandon JenÂnings ang kanyang tatlong free throws at nagsalpak ng isang one-hand slam matapos ang agaw ni Ersan Ilyasova.
Tumipa si Luc Mbah Moute ng dalawang free throws na nagbigay sa Bucks ng 61-55 abante sa 7:14 sa third quarter.
Ngunit bumangon ang Heat. Umiskor si Udonis HasÂlem ng isang layup at dalawang free throws kasunod ang basket ni Mario ChalÂmers para sa isang 23-7 run upang agawin ang unahan sa pagtatapos ng naturang yugto.
Nagtuwang sina James at Chris Andersen para ibigay sa Miami ang 78-68 kalamangan sa fourth quarter.
Sa Memphis, nagbida si Zach Randolph para sa 94-82 panalo ng Grizzlies laban sa Los Angeles Clippers para sa kanilang 1-2 agwat sa serye.
Humugot si Randolph ng 13 sa kanyang 27 points sa first quarter at tumapos na may 11 rebounds para sa Grizzlies.
Sa Chicago, humakot si Carlos Boozer ng 22 points at 16 rebounds, habang nagdagdag si Luol Deng ng 21 points at 10 boards para igiya ang Bulls sa 79-76 pananaig laban sa Brooklyn Nets at kunin ang 2-1 bentahe sa serye.