MANILA, Philippines - Isasagawa ang Del Run sa Abril 28 sa Marikina Sports Park na ang layunin ay makalikom ng pondo na gagamitin ng Siyudad para sa proyekto laban sa pagbaha.
Ito ang ikalawang taon na nagpapatakbo si Marikina Mayor Del De Guzman para pondohan ang nasabing proyekto na ang target ay magtanim ng mga puno sa 27,000 ektaryang Marikina Watershed.
Sa kasalukuyan, hindi saÂpat ang mga punong nakatanim sa watershed upang mapigilan ang pagguho ng lupa na nagiging sanhi ng madaling pag-apaw ng Marikina River kaÂpag bumubuhos ang ulan.
Halagang P400.00 ang registration fee para sa mga sasali sa 5K at 10K habang P500.00 ang sa mga tatakbo sa 21K at hanap ng organizers na makalikom ng hindi bababa ng P980,000.00 na siyang nakuhang pondo noong naÂkaraang taon.
Umabot sa 3,000 runners ang nakiisa noong nakaraang taon pero sa edisyong ito ay kumbinsido si Mayor De Guzman na aabot sa 5,000 ang mga sasali.
Ang Del Run ay sinusuportahan din ng ilang orgaÂnisasyon at ahensya ng pamahalaan tulad ng Ongpin Foundation, Department of Environment and Natural Resources, Philippine Airforce, Philippine National Police, Metropolitan Development Authority at Department of Interior and Local Government.
Ang mga interesado ay maaaring makipag-ugnaÂyan kay Gil Munar ng Labor Relations and Public Employment Service Office sa teleponong (02) 681-9277 o kay Arch. Willy Reyes ng Office of the City Mayor sa numerong (02) 646-1634.