Huling quarters slot nakataya sa banggaan ng Perpetual-USC belles
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. USC vs Perpetual
4 p.m. UST vs Letran
MANILA, Philippines - Isa sa Perpetual Help at University of San Carlos-Cebu ang mamamaalam matapos ang kanilang taÂgisan sa Shakey’s V-LeaÂgue Season 10 First Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Parehong walang paÂnalo, ang papalarin sa pagitan ng NCAA champion Lady Altas at CESAFI champion Lady Warriors ang kukumpleto sa apat na koponan na aabante sa quarterfinals sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Ang laro ay magsisiÂmula sa ganap na ika-2 ng hapon at sunod dito ay ang tipanan ng UST at Letran dakong alas-4 ng hapon.
Disenteng pagtatapos sa di produktibong kampanya ang hanap lang ng Lady Knights sa Lady Tigresses dahil talsik na sila sa kompetisyon sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.
Sa 0-3 karta at mga pagÂkatalo sa kamay ng La Salle Dasmariñas at San Sebastian ang tumapos sa hininga ng Lady Knights.
Kung manalo ang Letran, makakatabla nila sa 1-3 karta ang matatalo sa pagitan ng La Salle DasÂma at Lady Stags na paÂrehong may 1-2 card ngayon at maghaharap sa Linggo.
Ngunit winner-over-the-other ang gagamitin para basagin ang tabla kaya’t out pa rin ang Letran.
May 0-2 karta ang Lady Altas at huhugot sila sa husay nina Joy Cases, Honey Rose Tubino, April Sartin at Norie Jane Diaz.
Ang nagdedepensang kampeon at walang talong Ateneo, UST, La Salle Dasmariñas at San Sebastian ang aabante sa quarterfinals sa Group A, habang ang walang talong National University, Adamson at Arellano ang nakatiyak na sa Group B.
- Latest