Laro Ngayon
(Blue Eagle Gym)
2 p.m. Blackwater Sports vs EA Regens
4 p.m. Café France vs Boracay Rum
MANILA, Philippines - Lumawig sa limang sunod ang pagpapanalo ng NLEX nang kalusin ang Fruitas, 75-66, sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
May apat na tres si Byron Villarias sa second half para tulungan ang Road Warriors na makapagposte ng double-digits na kalaÂmangan, 64-53, para sumalo na ang tropa ni coach Boyet Fernandez sa pahingang Café France sa ikalawang puwesto sa 5-2 karta.
May 16 puntos si Villarias sa kanyang pinakamagandang produksyon sa bagong koponan na ikinatuwa ni Fernandez.
“Masaya ako at nakuha na rin ni Villarias ang kanyang laro,†wika ni Fernandez na pansamantalang iiwan ang koponan para samahan ang NCAA champion San Beda para sa kanilang pagsasanay sa US.
Si Adonis Tierra ang papalit pansamantala kay Fernandez na babalik din sa laro laban sa EA Regens sa Mayo 14.
Pinangatawanan naman ng Cagayan Valley at Big Chill ang pagiging mas angat na koponan sa Hog’s Breath at Informatics Icons nang kanilang talunin ang mga ito.
May 22 puntos si Ping Eximiniano para pamunuan ang Rising Suns sa 79-68 panalo sa Razorbacks habang malakas na panimula ang ipinakita ng Superchargers tungo sa 92-63 dominasyon sa Icons.
Tinapos ng Rising Suns, na pumangalawa sa huling conference, ang tatlong sunod na pagkatalo at maÂitabla sa 4-4 ang karta habang ganito rin ang karta ng Big Chill para magkaroon ng three-way tie sa ikapito hanggang siyam na puwesto kasama ang pahingang Cebuana Lhuillier.