Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay naihatid ni Luigi Trillo sa semifinals ang Alaska Milk matapos na maungusan nila ang Air21 Express, 87-81 noong SaÂbado sa Mall of Asia Arena.
Actually, pinapaboran naman talaga ang Aces na magwagi laban sa Express. Kasi nga, ang Alaska Milk ang top seed sa playoffs matapos na manguna sa 14-game elimination round sa kartang 11-3. Nagtago sila ng twice-to-beat advantage papasok sa quarterfinals.
Ang Air21 ang eighth-seed kung kaya’t talagang dehado ang tropa ni coach Franz Pumaren.
Pero dahil sa tinalo ng Express ang Aces sa kanilang kaisa-isang laban sa elims, kahit paano ay may pressure sa balikat ni Trillo. Kahit paano’y iniisip pa rin ng Aces na puwedeng makaulit ang Express kung hindi nila ibubuhos ang lahat ng kanilang makakaya.
Kahit paano’y siguradong ginamit din ni Pumaren bilang motivation sa Express ang panalong iyon. Tiyak na sinabi niyang “tinalo na natin ang Alaska Milk noon, mga bata. Kaya nating makaulit.â€
So, papasok sa kanilang duwelo noong Sabado, naÂtural na mataas ang tension sa pagitan ng magkaÂbÂilang koponan.
Pero handa naman ang Aces, e. Maganda ang naÂÂÂÂging simula nila dahil kinuha kaagad nila ang first quarter, 28-21 at pagkatapos ay lumamang ng 17 punÂtos sa halftime, 46-29.
Ang siste’y nakabawi ang Express sa third quarter at naging interesting ang duwelo hanggang sa dulo.
“It’s nice to get over Air21. I knew they would be a tough team to reckon with,†ani Trillo na nasa ikatlong conference bilang coach ng Alaska Milk matapos na haÂlinhan si Joel Banal sa simula ng Governor’s Cup noÂong nakaraang season.
Matapos na mabigong pumasok sa quarterfinals ng Governor’s Cup ay nagsagawa ng maraming pagbabago sa koponan si Trillo at kaagad na nakabawi sa Philippine Cup. Katunayan, kung medyo sinuwerte lang sila noon, baka tinalo pa nila ang Talk N Text sa semifinals. Kasi may dalawang games kung saan pu-wede sanang dinaig nila ng Tropang Texters sa semis.
Pero that’s water under the bridge na. NakaraÂting na muli sa semis ang Aces at nakatakda nilang makasagupa ang magwawagi sa duwelo ng Meralco at defending champion San Mig Coffee. Kung nanalo ang Meralco kagabi, ang Bolts na ang makakatagpo ng Aces sa best-of-five semis. Kung nanalo ang San Mig, may Game Three pa sa Miyerkules.
Ayaw ni Trillo na maÂmili kung aling koponan ang nais nilang makahaÂrap. Kung alin na lang ang ibigay sa kanila ng tadhana ay siya nilang paghahandaan.
Pero siyempre, deep inside, siguro’y mas gusto ng Aces na ang Meralco ang makatagpo.
Kasi nga, hindi pa tiÂnaÂÂtalo ng Alaska Milk ang San Mig Coffee buhat nang lumipat doon ang kaÂnilang daÂting head coach na si Tim Cone.
Kahit pa topnotcher ang Aces sa elims, tiyak na maÂdedehado sila sa Mixers kung sakaling sila ang magÂtagpo.
Pero hindi nga puwedeng mamili sina Trillo at Aces. Wala naman sa kamay nila ang resulta ng salpukang iyon, e.
Ang mahalaga’y naÂgawa nila ang dapat niÂlang gawin upang makaÂrating sa semis. nasa kaÂÂmay na rin nila ang daÂpat nilang gawin upang umabot sa finals.
Kung sakaling makaÂrating sila sa Finals aba’y tiyak na makakalimutan na nila ang kabanata ni Cone sa kanila. PanibaÂgong panahon na nga ito.