MANILA, Philippines - Pangungunahan ng mga Olympians ang mga sasali sa Elite division sa 2013 K-Swiss Subic Bay Asian Triathlon Championship (SUBIT) sa Subic Bay Freeport mula Abril 27 hanggang 29.
Ang tagisan sa Elite sa palarong inorganisa ng Triathlon Association of the Philippines (TRAP) sa pakikipagtulungan sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at handog ng K-Swiss ay sa Abril 27 at ang mga mata ay itutuon sa mga panlaban ng Japan.
Darating ang 27th ranked sa mundo sa kalalakihan na si Hirokatsu Tayama at siya ang top pick matapos malagay sa ika-20th puwesto sa 2012 London Olympics.
Ang mga kababayan at Olympians na sina Yuichi Hosoda (49th) at Ryosuke Yamamoto (67th) ang inaasahang makakatuwang niya para ibigay sa kanilang bansa ang kampeonato sa dibisyon.
Sina Mariko Adachi, na tumapos sa 14th puwesto sa London Olympics, at Yuka Sato ang panlaban ng Japan sa kababaihan sa haÂngaring walisin ang dalawang dibisyon sa tagisang may suporta pa ng Standard Insurance, Century Tuna, SPEEDO, David’s Salon, Asian Centre for Insulation Philippines (ACIP), Gatorade, Fitness First, Garmin, Canon, PLDT, at Philippine Sports Commission.
Kasama sa paglalabanan sa una sa tatlong araw na tagisan ay ang Junior Elite, U-23 Elite at ang Youth Olympic Games aspirants.